RHIAN "A-anong meron dito, fem? Kaninong kuwarto `to?" Kumakabog ang dibdib na tanong ko kay Suzaine nang tuluyan kaming nakapasok sa kuwarto. At hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. May kakaibang ambiance ang paligid na hindi ko maipaliwanag. Lalo na nang mapadako ang tingin ko sa isang malaking picture frame na nakasabit sa headboard ng kama. Base sa kulay, halatang old picture na ang nasa loob niyon. Pero hindi kayang itago ng kalumaan ang napakagandang mukha ng babaeng sa tingin ko ay nasa twenty years old lang. Maigsi ang buhok niya, medyo kulot at kulay blonde, mas pinaganda ng kung anong simpleng kolorete ang mukha niya at katamtaman lang ang kulay-pula na lipstick. Nakasuot siya ng dangle earrings na katerno ng necklace niya. Kapansin-pansin din ang maliit pero kakaib

