RHIAN Kanina ko pa tinititigan si Professor Didith Santillano, pero hindi ako puwedeng magkamali. Siya talaga si Queen Mecca na nasa panaginip ko noon. Kahit nakasalamin man siya ngayon at kulay ash ang buhok, sure na sure ako na siya ang reyna ng mga engkanto at diwatana ilang beses ko ng napanaginipan. "Ikaw talaga si Queen Mecca..." parang wala sa loob na sabi ko sa sarili. "Excuse me?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Professor Santillano. Nakakunot ang noo niya. Mukhang narinig niya ang sinabi ko. Nawala sa isip ko na sa unahan pala ako nakaupo at kaharap pa niya. Ayokong maging weird sa lahat o matakot sa'kin ang ibang tao kaya hindi ko sinasabi sa iba ang tungkol sa mga panaginip ko. "Miss Salazar, right? May sinasabi ka ba?" untag ulit sa akin ni Professor Santillano, na sand

