REINNE ZEPHYR "Ilang taon na tayong naghahanap kay Rhian, pero hanggang ngayon, hindi pa rin natin siya nakikita," sabi ng isa sa mga kasamahan kong Engkanto na si Tyrion. "Ang layo na rin ng nalakbay namin ni Arion sa past at future time pero hindi rin namin nakita si Rhian," wika naman ng isang Diwata na si Siofra. "Ilang kalatagan ng katotohanan na rin ang sinuyod namin ni Magus pero wala rin kaming nakita kahit anino ni Rhian," paliwanag din ng isa pang diwata na si Muirgen. Sina Tyrion, Siofra, Arion, Magus, at Muirgen ay mga kasamahan kong White Kampflens. Isa kami sa bumubuo ng konseho ng Reinne. Pero dahil isa rin kami sa pinakamalalakas at pinakamakapangyarinang White Kampflens, kaya nagvo-volunteer din kami kapag may mahihirap na misyon. Katulad ngayon na ilang taon na kam

