RHIAN "To end this message, gusto ko lang pong sabihing, `wag tayong mabulag sa ano mang powers na meron tayo. Like sa mga pulitiko, sa mga mayayaman, sa mga genius...Matuto tayong magpasakop sa totoong power. At `yon ay ang kapangyarihan ng Diyos. Matuto tayong magtiwala at humingi ng gabay sa Kaniya. Nang sa gan'on hindi tayo maligaw ng landas o maituwid natin ang mga likong dinaanan natin." Matamis akong ngumiti sa harap ng daan-daang mga tao. "That's all for today. Again, thank you so much for always trusting me to be part of this celebration." Pagkatapos kong magsalita, lalong nagpalakpakan ang mga tao. Tumayo ang mga matataas na opisyales ng REANZ, isang pribadong samahan ng mga mayayaman at matataas na tao na tumutulong sa mga disabled person, partikular na ang mga bulag

