RHIAN Ang buong akala ko talaga ay sina Zephyr at Rinalyn lang ang makikita ko sa huling sandali. Pero sobrang saya ko dahil bago man ako umalis sa dalampasigan ay nakita ko rin si Queen Mecca. Emosyonal na niyakap namin ang isa't isa. "Maraming salamat po, Professor Santillano, Queen Mecca o kahit sino man ho kayo. Hi di niyon kayang baguhin ang lahat ng ginawa n'yo para sa'kin." Nakangiting hinagod niya ang buhok ko. "Kami ang dapat na magpasalamat sa'yo, Rhian. Kasi nang dahil sa'yo kaya nabigyan kami ng malaking chance na tanggaping muli ni Ama. Nang dahil sa'yo kaya naipakita namin na totoo ang hangarin naminna bumalik sa kabutihan. Malaki ang tulong at naging papel mo sa buhay naming mga White Kampflens, kapatid." Nang marinig ko ang sinabi niy

