RHIAN Kaagad kaming nagtago sa unang abandonadong gusali na nakita namin. Madilim iyon at hindi abot ng sinag ng buwan. Dito na namin hinintay na matapos ang labanan ng kabutihan at kasamaan. Sa kahihintay namin ay hindi ko na na nakatulog pala ako habang nakasandal sa balikat ni Ehran. Nagising na lang ako sa parang mataas na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. At sa pagdilat ko ng mga mata ay nakangiting mukha ni Ehran ang sumalubong sa'kin. At sa ngiti pa lang na 'yon ay parang gumaan ang mabigat na pakiramdam ko dahil sa mga hindi magandang nangyari kagabi. He gently touched my face. "It's over now, mahal. It's over now." Kumunot ang noo ko. "What do you mean, mahal? Ano ang tapos na?" "Nakialam na ang Langit para sa katahimikan nating lahat, anak." Napabalikwas ako nang marin

