… KAI’s POV … Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw ako sa namumulang bahagi na dulo ng dagat. Kung ordinaryong araw lamang sana ito katulad noon ay baka hanggang tainga na ang pagkakangiti ko dahil sa sunset na pinapanood ko na talaga namang kay ganda. Kitang-kita ko kung paano ang paglubog ng araw sa dagat mula sa aking kinatatayuan na balkonahe na parte ng rest house. Kanina pa ako ganito na tahimik. Mula sa yate ay hindi na ako umimik pa dahil sa inis ko kay Juke. “Is something bothering you?” tinig ni Juke mula sa aking likuran pero hindi ako nag-aksaya ng panahon para lingunin siya, sa halip ay hinawi ko ang lahat ng buhok na inilipad ng biglang simoy ng hangin. Inipit ko lahat sa kaliwang bahagi ng leeg ko at saka niyakap ko ang s