… KAI’s POV … “Did I wake you up?” kagat-labi kong tanong sa bagong gising na si Juke. Bigla akong nahiya sa ginawa kong paghaplos sa mukha niya. Hindi ko kasi napigilan dahil para siyang anghel na baby kanina na natutulog. Ang sarap pingutin ang ilong, pupugin ng halik ang kanyang red lips, at kagat-kagatin ang kanyang walang pores na pisngi. Ngumiti siya. “What time is it?”” Nilinga ko ang wall clock. “Alas dyes. Tanghali na.” “Maaga pa pala,” nga lang ay salungat niya. Sa halip na bumangon na ay sumiksik siya sa akin. Parang bata naman siya ngayon na naglalambing. Napangiti na rin ako. Kung sabagay ay hindi ko siya masisisi dahil napagod siya nang husto kahapon nang bumalik kami sa isla kung saan pansamantalang naninirahan ang mga katutubong tinutulungan niya. Paano ba naman ay w