... JUKE's POV ... "Sir, baka masubrahan mo ang inom. Tama na po 'yan," awat sa akin ni Lestre. Pagkatapos naming dumaan sa hospital kung saan na-confine si Kai ay dito sa bar muna ko siya niyaya. Gusto ko munang lagyan ng alcohol ang katawan ko bago umuwi, bago ko haharapin si Sophia. I have already made up my mind, makikipaghiwalay na ako sa kanya. I love Kai and only in her did I feel this feeling. Iyong hindi mo matiis ang babae. Iyong gusto mo lagi siyang nakikita. Iyong lagi kang nag-aalala. Iyong gusto mo ay lagi sure ka na ligtas siya. Ayaw mong makitang nasasaktan siya kasi nadudurog ka. Kay Kai lang, kay Kai ko lang nalaman na totoo pala ang feeling na ganoon. Umalis man ako kanina sa hospital ay hindi ibig sabihin niyon ay pumapayag na ako sa gusto ni Kai. Tumahimik lang