… KAI’S POV … “I’m ready…” sabi ko sa mga kanina pang mga naghihintay sa akin na sina Aman at Nanay Rose nang nakababa ako sa hagdanan. Kahapon ay nagpa-discharge na ako sa hospital dahil wala naman na akong naramdaman na mali sa aking katawan mula sa pagkakahulog ko sa hagdanan ng hospital na kagagawan ni Miss Sophia. Bagot na tiningnan ako ni Aman. Si Nanay Rose ang nagmadaling tinungo ang dalawang maleta ko sa may puno ng hagdanan. “Dalhin ko na ito sa kotse,” aniya at hinila na palabas. Wala na silang dalahin ni Aman. Siguro ay naiuna na nilang nailagay sa kotse ko. Kotse ko ang gagamitin namin sa pag-uwi sa Bicol pero si Aman ang magda-drive. Hindi talaga siya pumayag na hindi niya kami maihatid, lalo na’t galing ako sa hospital. Magba-bus na lang daw siya kapag babalik na siya