KABANATA APATNAPU’T WALO MALAKAS na pagsabog ang umalingawngaw sa buong lugar marahil ginamit na ng mga kaibigan niya ang mga explosives na ginawa niya ngunit hindi iyon pinansin ng binata, nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at paghanap sa kwartong sinabi ni Marde. "Agapi mou where are you?" mahinang tanong niya sa sarili, puno ng kaba ang kanyang dibdib. "Cane, be careful maraming nasa loob ng kwartong 'yun," narinig niyang paalala ng kaibigan sa kabilang linya. Natagpuan niya ang kwarto at walang pag-aalinlangang binuksan iyon. Hindi alintana ang nasa likod niyon at ang boses ni Marde sa kanyang earpiece na paulit-ulit siyang binibigyan ng babala. Bumungad sa kanya ang nakataling katawan ni Jucia sa isang kahoy na bangko, may busal ang bibig nito kaya't tanging mga ungol lang nito