KABANATA APATNAPU’T SIYAM JUCIA BARTOLOME Nagising ang dalaga sa loob ng isang puting silid, inilibot niya ang nanlalabong paningin sa buong lugar, taliwas ito sa madilim at mabahong lugar kung saan siya dinala ni Lorenz at itinago. Maliwanag ito ngunit amoy gamot ang paligid. Agad na dumapo ang kanyang kamay sa kanyang tyan, dinadama iyon habang nilalamon siya ng takot at pangamba. Nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari nang mga nagdaang araw kaya agad na napabalikwas siya sa pagkakahiga at napaupo hawak pa rin ang kanyang tiyan. May kung ano-anong aparato ang nakadikit at nakatusok sa kanyang katawan, doon niya lang napagtanto na nasa hospital siya. Inilibot niyang muli ang paningin bago bumaba iyon sa lalaking katabi, nakaupo ito sa tapat ng kanyang kama at nakayuko marahil