NAALIMPUNGATAN si Zoe na wala si Ethan sa tabi niya. Bumangon siya at lalabas sana ng kuwarto para hanapin ito. Pero palabas pa lang siya nang bumukas ang pintuan at pumasok ito doon. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Zoe ang tila pagkabalisa ni Ethan nang magtagpo ang paningin nila. Subalit bukod doon ay may nabasa pa siyang emosyon nito na hindi niya kayang pangalanan. "S-saan ka pupunta?" tanong nito sa mailap na tingin. "Nagising ako at wala ka sa tabi ko kaya bumangon ako." "Nawala lang ako sandali sa tabi mo, na-miss mo na kaagad ako." He smiled. "You are so sweet." Unti-unting nawala ang pagkabalisa ni Ethan habang lumalapit ito kay Zoe. Pero naroon pa rin sa mga mata nito ang hindi maipaliwanag na emosyon. Puno ng paghanga ang mga titig nito kung hagurin ng tingin ang kabuuan