MAAGANG pinatulog ni Zoe si Ethan para makapagpahinga. Si Lala naman ay himalang nakitulog muna sa tiyahin nito. Kaya sa kuwarto siya ng asawa matutulog at magtatabi sila sa kama. Nang masiguro ni Zoe na mahimbing na si Ethan ay lumabas siya ng bahay para tawagan si Mommy Dahlia. Dalawang araw na silang hindi nakakapag-usap nang maayos. Hindi kasi siya makatiyempo dahil palagi silang magkasama ni Ethan. "Hello, 'My. Kumusta ho ang mga bata?" tanong ni Zoe sa ina nang sagutin nito ang tawag niya. "Tulog na ba?" "Oo, kanina pa sila tulog. Si Nathan, nagpakuwento muna sa Tita Zhang niya bago natulog. Si Baby Mariel naman, nakatulog na agad pagkahele ko pa lang." "Puwede ko po ba silang makita, 'My?" Hindi naglipas sandali ay nakita na ni Zoe ang mga anak nang buksan ni Mommy Dahlia ang