Malalaki ang mga hakbang na sinundan ni Zoe ang lalaking nakita niyang bumaba ng hagdan. Kalahati lang ng mukha nito ang nakita niya pero sigurado siya na pamilyar ito sa kaniya. Ramdam niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso, unang beses pa lang nang makita niya ito kanina na nagtatago sa isang sulok at nakatingin sa kanila. Binilisan pa ni Zoe ang paglalakad nang biglang mawala sa paningin niya ang kaniyang hinahabol. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ngunit nanlumo siya nang hindi ito makita. Babalik na sana si Zoe sa kaniyang pamilya nang may marinig siyang mahihinang yapak mula sa kaniyang likuran. "Are you looking for me?" Awtomatikong napalingon si Zoe, sabay nang pagtambol ng kaniyang dibdib. Even his voice was really familiar to her. Para iyong tumatagos sa kaniyang puso.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books