LUKE & ARMEDAH TWENTY-five years has passed, nagpaalam sa amin si Princess Araminah. Ang sabi niya gusto niyang mamuhay bilang isang ordinaryong babae. Ayaw kong pumayag dahil delikado sa kagaya niyang babae ang malayo sa amin. Kahit tahimik na ang buhay naming lahat ay laging kaakibat pa rin ang pangamba. “Asawa ko, hayaan mo ang anak natin sa nais niya sa buhay. Hindi ka rin dapat nag-aalala sa kanya dahil kaya niyang protektahan ang sarili.” Aniko kay Armedah. Totoong fighter si Princess Araminah, ngunit walang nakakaalam non kundi kaming buong pamilya lamang. Ang hindi ko mabigyan ng katuwiran bakit gusto niyang danasin ang ordinaryong pamumuhay sa malayong lugar. Dahil ba sa lalaking lihim niyang minamahal? at paano ang lalaking matagal nang nagmamahal sa kanya ng lihim? “Hindi na