LUKE PAUWI na kami galing sa mansion ni Daddy, nang may humarang sa aming daraanan. Isang big bike, babae ang sakay. Pero walang pagkakakilanlan dahil naka helmet. Nakasuot din ng all black na akala mo ay racing ang pupuntahan. Huminto lang kami pero hindi nag bukas ng bintana. Kasama ko ang dalawa kong kakambal. Hinatid namin si Draven, at hindi pa man lang kami nakakalayo heto at may nag cut ng linya. “Hayaan lang natin siya kung ano ang gagawin. Isang minuto at kapag hindi siya umalis diya sasagasaan ko siya.” hindi sumagot ang mga kapatid ko pero kagaya ko ay nakatingin lang sa babae. Hanggang natapos ang isang minuto. Tinapakan ko ang gas at saka ang preno kaya nag rebolusyon ang makina. Huling pagbibigay ko ng signal pero hindi talaga siya umalis. Kaya ni-release ko ang preno at