3RD POV SOBRANG lakas ng kaba ni Tyron Agapito, ng masilayan ang kanyang ama. Lalo na ng titigan siya nito unti-unti niyang naramdaman ang pag iinit ng mga mata. At nang tumayo ito upang salubungin siya. Ay tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. “A-Anak…” ang tanging sinabi nito sa kanya bago bukas ang magkabilang braso na niyakap siya. Damang dama niya ang init ng pagtanggap sa kanya. Kaya hindi na siya nahiyang humagulhol ng iyak. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa batang edad. “T-Tatay Niko, salamat po sa pag tanggap sa akin. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makilala kita. Pero mabait talaga ang Diyos, dinala NIYA ako patungo sayo.” Puno ng emosyon kong pahayag sa kanya. “I’m sorry, Tyron, kung ngayon lang tayo nagkita. Pero nais kong malaman mo na matagal kitang ip