LUKE NAPASIGAW ako nang biglang matumba si Armedah. Agad ko siyang binuhat at tumakbo palabas. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Takot, pagsisi at galit sa aking sarili kung bakit nasabi ko iyon. Siguro dahil naghalo halo sa aking isipan ang tunay naming sitwasyon. Kaya kahit paulit-ulit na akong tinatawag ni Troy. Wala akong naririnig na kahit ano sa paligid ko. “Luke, anong ginagawa mo?!” saka lang ako natauhan ng may sumapak sa akin. Sabi ko isakay mo sa sasakyan si Ms. Armedah!” “O-Oo, heto at ipapasok ko na siya sa sasakyan.” Kaya agad na pinagbuksan ako ni Jason. “Pabigla bigla ka nakita mo na ang nangyari?” paninisi ni Troy sa akin. “Jay, halika na hindi ka pwedeng maiwan ditong mag-isa.” Lumingon ako ng marinig ang pangalan ni Jay. Nakita kong inalalayan pa ito ni Jaso