ILANG oras pa lang silang nakaka landing sa Hawaii. At naririto si KL, naglalakad lakad sa dalampasigan. Maganda ang lugar at isang pagkakataon na makapag-isip-isip siya. Masyado siyang nabigla sa mga nalaman. Baka habang naririto siya sa mala-Paraiso na lugar ay makapag desisyon siya ng tama. Ang alam niya mamayang gabi ang simula ng party. Sa orasan niyang pambisig ay alas-dos pa lamang ng hapon. Hindi naman masyadong maiinit ang panahon siguro dahi humilig na ang araw. Natatakapan na rin ng shadow mula sa naglalakihang puno sa gilid ng dalampasigan. Na upo siya sa isang bench na malayo sa karamihan ng mga naliligo. Kinuha sa bulsa ang cellphone at nag selfie. Pagkatapos ay inikot-ikot niya ang camera sa paligid. “Hi, are you alone?” “Yeah.” “I think you are from Philippines, righ