HINDI niya magawang tumingin sa mukha ni Eli. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa sobrang kahihiyan. Hindi ma-imagine na pinaliguan niya ng suka ang binata. Tapos binihisan pa siya nito at sigurado nakita ang buong katawan niya. Sa isipin yon ay nag iinit ang kanyang mukha. “Kulay kamatis ang mukha mo, may dinaramdam ka ba?” tanong ni Eli, sa kanya. At pakiramdam niya’y gusto ng lumubog sa inuupuan. Bakit kailangan pa nito iyon itanong sa kanya? Upang makaiwas sa mas lalong kahihiyan ay nag excuse siya at naglakad palabas ng dining room. Tumakbo siya sa kung saan basta makawala lang sa paningin ng mga Montemayor. Wala pa naman nalilihim sa pamilyang yon. Kaya sigurado alam ng lahat ang nangyari sa nakalipas na gabi. “Ms. Kate, saan ka pupunta bakit ka tumatakbo?” narinig niyang tanong