ANG kilay ni Elijah, halos magkadikit dahil sa kaseryosohan. Nanliliit na rin ang mga mata sa sobrang inis. Nang may tumapik sa kanyang balikat. “Pinsan, bakit masyado ka naman yatang possessive. May ralasyon ba kayo ni Ms. Pilot, na hindi namin alam?” tanong ni Ken Ken. “She’s mine!” “Sandali, siya ba ang naging dahilan sa muntik mo nang pagkabaliw?” “Nang-aasar ka ba?” baling niya sa pinsan. “Hindi ah, nagtatanong lang ako dahil kung umasta ka parang girlfriend, fiancée o wife mo siya.” “Huwag mong titigan lang kumilos ka parang hindi ka naman Montemayor.” sulsol ni Logan. Hindi siya tatantanan ng mga pinsan kaya tumayo at naglakad palapit kay Kate Lorraine. Kanina pa siya iniinis ng babaeng ito sa palakad lakad habang nakabilad ang katawan. At ito namang mga pinsan niyang babaer