ILANG araw na silang nakabalik ng bansang Pilipinas. Nananatili sa loob ng mansion Saavedra, si Kate Lorraine. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Ang alam niyang tamang gawin ay mag-resign sa Montemayor’s Airlines Company. Nahulog na naman siya sa lalaking yon. Ang bilis niyang napaniwala ni Eli. Muling dinampot ang mga picture ng binata kasama ang real fiancée nito. At hindi napigilan ang luha, sobrang sakit na sa pangalawang pagkakataon naloko na naman siya ng binata. Kinabukasan maaga pa lang ay nasa opisina na siya. Dala ang resignation letter, habang nanghihintay sa pagdating ng CEO. “Ms. Saavedra, baka ma late si Mr. CEO, kaya bumalik ka na lang mamayang after lunch.” Ani ng mabait na secretary. “Ahm… maari bang pakibigay na lang ito mamaya. Baka hindi ako makabalik