SA bawat araw na lumilipas wala pa rin makakapagsabi kung buhay o patay na talaga si Elijah Remo. Pahirap nang pahirap sa buong pamilya nila na hanggang sa mga oras na yon wala pa rin silang balita. Si Kate Lorraine, pinag bakasyon muna ng kompanya. Sapagkat walang oras na hindi ito umiiyak. Kaya laging nasa tabi nito ang kapatid na si Draco. Lahat sila ay sinisisi ang mga sarili kung bakit hindi nila nabigyan ng atensyon si Elijah Remo. Si Draco, bigla na lang natulo ang luha sa pagsisisi kung bakit ipinakita niya sa kaibigan ang galit dito. At si Premo, sinisisi din ang sarili dahil sa kapabayaan niya. Kundi dahil sa mga litrato nila ng babaeng kinakasama niya. Hindi nagkaproblema ang kapatid at si Ms. Kate Lorraine. Hindi rin sana na galit sa kapatid ang nobya nito at hindi sana n