FIVE weeks pregnant si Lumen, hindi siya makapaniwala na buntis sa anak ni Premo. At syempre masaya siya. Kaya lang hindi pa siya nakakaganti sa mga taong may kagagawan kung bakit nagkaroon siya ng amnesia. Si Mr. Perez, buhay pa rin ito at missing si Mr. Addison. Ngayon na baby sa kanyang tiyan hindi siya maaaring sumabak sa misyon. “Where is she?” malakas ang boses ng isang babae na papasok sa pintuan. Kaya mabilis na nag talukbong ng kumot si Lumen. Hindi siya pwedeng magkamali si Princess Arah, at galit talaga ang boses nito. “Bumangon ka riyan! Buhay ka pala tapos parang wala kang plano na ipaalam sa akin?!” Hindi siya gumagalaw at nagpapanggap na tulog. “Kapag hindi ka bumangon diyan ay tatawagan ko ngayon din si Tito Arnold!” Agad na inalis ni Lumen ang kumot sa kanyang mukha