ANG galit ni Draco ay parang nakatulong pa sa kanya. Dahil doon ay nakapaglakad siya, pero pagkatapos ng ilang araw ay nakaramdam siya ng panginginig ng mga kalamnan. Kaya agad silang nagtungo sa opsital at wala naman nakitang kakaiba sa resulta ng eksaminasyon. Basta tuloy pa rin ang therapy niya. “Ayos la ba ang mga paa mo hindi ka ba nakakaramdam ng pagod?” nag-aalalang tanong ni Arah. “Hindi naman, medyo may konti pang panginginig sa paa ko. Pero kaya ko naman mas mabuti na siguro upang exercise na rin ang ganito. Baka kapag lagi akong naka upo ay bumalik sa pagka lumpo ang mga paa ko. Ayaw ko ng maranasan iyon muli dahil napakahirap.” “I know, kaya lang nag-aalala ako baka mapwersa ang mga paa mo?” bago niyakap ni Arah, si Draco. “Hindi naman siguro, kaya alisin mo sa isipan ang p