KAHIT nasasaktan si Arah, sa mga nangyayari. Sinikap pa rin niya na maging maayos ang pagsasama nila ni Draco. At kahit sobrang busy niya sa trabaho sinisingit pa rin niya ang oras para sa kanyang mag-ama. Tungkol naman sa dalawang kapatid niya. Ang huling balita niya sa kanyang Kuya Allix Premo. Medyo nakakarevover na ito sa sakit ng pagkawala ng mag-ina nito. Meron na raw itong pinagkakaabalahan na Negosyo. Kaya naman kahit paano ay naging panatag siya. Ang hindi pa rin maayos ay ang kanyang Kuya Elijah Remo. Panay pa rin ang pag-inom nito ng alak. At kung saan saan na lang nakakarating. Kaya sa tuwina lagi siyang nag-aalala sa kapatid. “Ma’am Arah, hindi ka pa ba uuwi, almost nine na ng gabi?” napalingon siya ng marinig ang boses na tumawag sa kanya. Nakatayo sa pintuan ng opisina n