MAAGA pa lang hinatid na ni Arah, si Kate Lorraine, sa dormitory’s house nito. May pasok daw ang dalagita at kahit pinakikita nito sa kanya na ayos lang ito. Masasalmin sa mga mata nito ang pighati at kabiguan. “Ate Arah, huwag mo akong masyadong alalahanin, ayos lang ako. Mamaya after ng school ko tatawagan kita upang maging panatag ang iyong sisipan.” “Hihintayin ko, sige na pumasok ka na sa loob.” “Thank you, Ate Arah.” Yumakap pa sa kanya bago naglalakad na ito papasok sa gate ng dormitory’s house. At bago mawala sa kanyang paningin ay lumingon at kumaway ito sa kanya. “Ang sakit ng dibdib ni Arah, sa nangyaring yon sa hipag. Ganun pa man nasasaktan din siya para sa kanyang Kuya Elijah Remo. Kahit ipakita nito na balewala si Kate Lorraine, dito. Alam niyang mahal ng kapatid ang dal