LUKE NASA kalagitnaan kami ng highway nang biglang may nag-cut sa aming sasakyan. Agad na umigting ang aking panga sa galit. Sino ang nag lakas loob na kalabanin ako? “Master Ali, stay here kami na ang bababa.” Ani Brayden. “Okay, mag-ingat kayo.” Tumango lang ang aking dalawang tauhan bago bumukas ang pinto at tuluyan bumaba ng sasakyan. Pagsulyap ko sa sasakyang humarang sa amin ay hindi agad ako nakapag-react. Lalo nang makita kong bumaba si Kuya Josh. Walang patumpik tumpik at agad akong lumabas ng sasakyan. “Nasaan si Princess Armedah?” Galit na tanong niya sa akin. At kahit pinakapanganay ito sa aming magpipinsan hindi ako takot sa kanya. “Hindi ko alam bakit sa akin mo siya hinahanap?” matigas kong sagot sa kanya. “Huwag mo akong paikutin sa kasinungalingan mo, Luke! Alam k