ARMEDAH KUNOT ang aking noo ng tumalikod kay Mr. Liam. Sino ba ang namatay bakit niya ako tinanong kung hindi ako pupunta? Umiling-iling ako bago nagpatauloy sa pagmamaneho. Magmula ng masira ang aking cellphone. Hindi na ako muling bumuli ng cellphone. Mas mabuti na rin upang walang stress. Saka wala din gagawin ang lalaking yon kundi kulitin ako sa kakatawag. Talo pa ang babaeng nireregla sa sama ng ugali. Huminto ako sa paborito kung lugar, nasa gitna ako ng mahabang tulay. Nakaparada ang big bike ko sa gilid at nakatanaw ako sa ibaba. Dumipa ako at sumigaw ng napakalakas. Bihira ang motorista na dumadaan. At ang speed ay hindi bumababa ng isang daan. Kaya sigurado hindi ng mga iyon mapapansin o maririnig ang malakas kong sigaw. Paulit-ulit akong sumigaw lahat ng sakit sa aking dibd