ISANG linggo ang lumipas. Nasa kamay ni Premo ang resulta ng paternity test. At positive, ito talaga si Lumen, ang babaeng mahal niya. Kaya naman masaya siyang nagtungo sa ospital. Magmula ng malaman niyang successful ang surgery ni Makko. Nabuhayan siya ng pag-asa at least buhay ito. Kahit galit pa rin sa kanya si Lumen. Okay lang siya kaya niyang maghintay hanggang tuluyan siyang patawarin nito. Ngayon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Sino ang lalaking tauhan ni Mr. Perez. Bakit naroon ito sa mansyon Fontanilla? Ano ang ginagawa ng kaaway nila at kausap pa ito ng ama ni Lumen? “Brother, kumusta ka naman lagi ka yatang busy?” tanong ni Elijah Remo. Nagulat siya ng makita ang kapatid. Ano kaya ang ginagawa nito dito sa ospital? “Kuya Elijah, bakit ka pala naririto may pasyen