SALON

2006 Words

LIHIM na sinundan ni Premo, ang sasakyan. Galing iyon sa loob ng mansyon Fontanilla. Sigurado siya na nakasakay sa loob si Lumen. Kanina nang nakatanggap siya ng tawag mula kay Grant. Sa halip na puntahan si Lumen sa mansyon ng mga ito ay hindi niya ginawa. Nag-abang na lang siya sa labas ng main gate. Sa medyo kubli na lugar. Dumistansya siya ng halos 50-meters upang hindi mahahalata ang driver ng SUV. Kapag nakita siya ng mga ito sigurado hindi niya magagawang makita si Lumen. Kaya nanatili siya sa malayo. Ilang minuto ang lumipas nang makitang sa isang mall lumiko ang SUV. Agad na nabuhayan ng loob si Premo. Hinintay muna niya na maunang umakyat sa parking ang sasakyan ng mga ito. Bago siya sumunod sa taas. Sa ikalawang palapag ang mga ito nag-parking. Kaya sa ibang linya siya nag-p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD