SA mansion Fontanilla, doon na muna nagpapalakas si Makko. Saka na raw aalis ang mga ito kapag fully recover na mula sa dalawang magkasunod na operasyon. Ngayon magkaharap sila sa hapag kainan. Tahimik lang si Premo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Lalo at wala siyang alam sa tunay na nangyayari. Bakit ang mukha ni Lumen ay iginaya sa asawa ni Makko. Galit pa rin siya sa ginawa ng mga ito kaya mas mabuti na tumahimik siya. Nasa harapan din nila ang mga magulang ni Lumen. Magiging bastos siya kapag nagpakita ng galit. “Wala ka bang nais sabihin, Premo?” tanong ni Mr. Arnold. Napipilitan siyang sumagot sa tanong na yon ng magiging biyenan. “Ang gusto ko lang ay ibalik ang mukha ni Lumen sa dati. Ayaw ko na gumagamit siya ng mukha ng ibang tao.” “Ibang tao ba ako kay Lumen, Mr.