NAKATANGGAP ng tawag si Premo, mula sa kapatid. Pinag madali siya naroon daw ito sa labas ng main gate. Kaya nagtaka siya kung ano ang ginagawa doon ng kakambal. Hindi na siya nagbihis nakasuot lang ng short at sando. Bago sumakay sa kanyang sasakyan. Kinuha sa ilalim ng upuan ang silencer gun. Ibinaba niya iyon sa katabing upuan. Saka pinasibad ang sasakyan palabas ng mansyon. Pagdating sa main gate hinarang siya ng mga guard. Kaya binaba niya ang bintana at agad na lumapit ang isang gwardiya. “Boss, huwag ka muna lumabas, maraming tao sa labas. At may info na meron daw mga armado sa paligid. Sila din ang pinaghihinalaan na nagdala ng katawan ng isang babae. Butas ang noo dahil sa tama ng bala.” “Nariyan sa labas ang kakambal ko kaya padaanin ninyo ako.” agad na nag radyo ang guard ba