NASA prenup photoshoot silang tatlo. Hindi talaga pumayag ang Kuya Elijah nila na magkakahiwalay sila. Kaya heto at puro katatawanan ang nangyayari. Isa pa ang nais nila ay comedy ang kalalabasan ng video. Ang katwiran ay puro drama at action ang pinagdaanan nilang tatlo sa buhay. Kaya ngayon nais nilang nakangiti ang lahat ng makakapanood. Ang hangad din nila ay burahin sa alaala ang mga pinagdaanan nilang tatlo. At mangyayari lang yon kung lagi silang masaya. Sa totoo lang hanggang sa mga oras na yon ay naluluha pa rin silang tatlo. Hindi nila inaasahan na darating ang sandaling ito. Yung magagawa na nilang ngumiti ng walang halong pagkukunwari. Magiging masaya ng kagaya nito dahil wala ng mga pagtatangka. Malaya na silang makakalabas pasok ng mansyon. Mapupuntahan ang mga lugar na wal