DINALA ni Premo sa silid na tinuluyan niya ang babae. Takot na takot pa rin ito kaya inutusan niyang umalis ang lahat ng kanyang tauhan. Matapos isara ang pinto ay dahan dahan siyang lumapit dito. Napasiksik ito sa gilid at ang luhaan nitong mukha ay agad na itinago sa pagyuko. Meron siyang nais masiguro kaya na upo siya sa gilid nito. Kailangan niyang mapalapit ang loob nito sa kanya. Upang magawa ang nais dito. “Hindi kita sasaktan kaya huwag kang matakot sa akin. Ang nais ko lang ay kausapin mo ako at pagkatapos ay ihahatid kita sa pamilya mo.” pero umiling ito kay Premo. “Okay, kung ayaw mo ay dito ka lang muna. Pero dapat magsabi ka sa akin ng totoo, okay?” “O-Okay.” ang boses nito talagang kapareho ng kay Lumen. “Ahm… sino ang mga taong nais manakit sayo kilala mo ba sila?” may