MABILIS lang ang paglipas ng mga araw hanggang umabot ng anim na buwan. Dahil maganda ang serbisyo ng gasolinahan nila ay laging pila ang mga sasakyan. Isa sa ginawang strategy ay naglagay si Premo, ng pang-akit sa mga consumer. Lahat ng gumagalaw sa gasolinahan ay puro babae at pleasing personality. Lagi din presentable ang mga ito at nakangiti. Kaya naman kahit mataas ang pa sahod niya sa mga staff. Hindi pa rin siya malulugi dahil bumabawi siya sa dami ng consumer na nagpapagasolina sa kanila. “Allix, umuwi ka na at nang makapag pahinga. Ako na ang bahalang mamahala dito. Total naman dalawang oras na lang at closing na.” Ani Elmo. “Yeah, mabuti pa nga at kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Para akong sisipunin ang init ng singaw na lumalabas sa aking mga mata. Iyong mga staff, sigurad