MAKALIPAS ang tatlong buwan. Handa na ang gagawin proposal ni Allix Premo. Ang tanging binigyan niya ng kanyang atensyon. Sa babaeng ito lang din tumibok ang mapaglaro niyang puso. Ngayon ay handa na niyang iwanan ang makamundong gawain. At bubuo na siya ng pamilya kasama ang una at huling babaeng mamahalin niya. Subalit isang isang tawag ang natanggap niya. At nagimbal siya sa hatid na balita. Ang babaeng magiging kabiyak ng puso niya ay naaksidente at maaaring patay na. Nangatal ang buong katawan niya at hindi siya makakilos. Kanina kausap pa niya si Lumen. Kaya pala hindi nakarating sa usapan nila. “Kuya Premo!” malakas na sigaw ang nagbabalik sa kanyang realidad. Nasa harapan niya si Princess Arah, sabay hila nito sa kanyang kamay. Hanggang namalayan na lang niyang naroon na sila sa