KARARATING lang ni Elijah at Kate Lorraine, mula sa isang buwan honeymoon. Ngayon ay naririto na sila sa mansion nila. At tumawag ang bilas na si Ate Lumen. Nag-imbita ang mga ito para sa dinner. Kaya hinanda na rin ni Lorraine, ang mga pasalubong nila sa bayaw at bilas. At syempre hindi mawawala ang para kay Little Premo. Kahit sabihin ng magkatabi lang ang mansion triplets. Pero ang distansya ay ilang kilometro ang layo. Kaya kailangan pa rin nilang gumamit ng sasakyan. “Baby, wala na ba tayong nakalimutan?” tanong ni Elijah. “Naririto naman na lahat ng mga pasalubong natin sa kanila.” “Okay, halika na at ang mga bodyguard na lang ang bahala sa mga yan.” “Daddy, doon po ba tayo matulog?” tanong ni Prime Lucas. “Bakit gusto mo ba anak?” “Kung naroon po mga anak ni Uncle MA, at Ma