LUKE HINDI na ako ng nagtanong kung ano ang ginagawa ni Luther, sa bahay na yon. Obvious na ito ang may ari ng farm. Tumabi ako upang bigyan sila ng daan na makapasok sa loob. Ikinagulat ko nang biglang may lumitaw na teenager. Ang akala ko ay silang dalawa lang ni Seb. Sino naman kaya ang dalagitang ito at talaga naman kakaiba ang ganda. Pagharap ko kay Luther, malakas niya akong binatukan. “Bakit ka nananakit hindi dahil bahay mo ito ay basta ka nambabatok?” inis kong tanong kay Luther. “Mabuti nga binatukan lang kita at hindi ko tinusok ang mga mata mo, huh!” saka ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. At napailing na lang ako habang hindi mapigilan sulyapan muli ang dalagita. “Child abuse yan baka i-report kita sa DSWD, huh!” pananakot ko kay Luther. “Subukan mo lang at ngayon