ARMEDAH NAGULAT ako ng makita si Lady Monster, nakatayo ito sa pintuan. Agad akong tumakbo palapit dito. Pero pinigilan niya ako baka raw biglang madapa at sumalpok ang aking tiyan. “Anong ginagawa mo dito at bakit ka nag iisa?” hindi na ako makapaghintay na sagutin niya. Yumakap ako sa kanya. Miss ko na ang buong tropa. “Surprise! Sigaw ng buong tropa. At napangiti na ako bago isa-isa silang niyakap. Ngunit agad din kinabahan ng nakita ko si Ms. Maggie, Yzabell, Lindsay, Dyosa ng Kagandahan, Miles, Heartless at lahat ng tropang assassin. Hindi pupunta dito ang mga ito kung hindi malaking misyon. Ano ba talaga ang nangyayari at walang sinasabi sa akin si Luke Ali? “Wait, sino ang dalagita na yon, napakaganda para siyang anghel.” Tanong ni Heartless. “Ahm… stepdaughter si Mr. Luther.”