SA loob ng korte, tahimik lang si Draco, habang nakikinig sa mga sinasabi ng kalaban. Nakatingin lang siya kay Mr. Arcella at Eritch. Ganun din kay Mrs. Patty, galaiti ito sa galit at nag hysterical na rin. Kung ano-anong masasamang salita ang ibinabato sa kanila ng mga ito. Kagaya ng advice ni Atty. Bliss, walang isa man sa kanila ang nag-react. Pero ng tawagin ang doctor na siyang physician ni Princess Araminah, noong panahong nilunod ito at nilaslas ang pulso. Biglang tumahimik si Mrs. Patty. At lahat ay hindi makapaniwala sa isiniwalat ng doctor kung bakit nawalan ng memory si Arah. Sa parte naman ni Eitch, ang ilang beses na pagtatangka sa buhay ni Princess Araminah Montemayor. Lahat yon ay kagagawan ng dalaga. At ang paglusob ng mga ito sa mansion Saavedra. Lahat ay pakana ni Mr.