TUMAWAG ang kapatid na si Samuel kay Kate Lorraine. Sinabi nito dumating na ng bansa si Reggie. Tuloy na raw ang barbecue grill na request niya. Kaya agad na hinanap niya si Eli, excited na siyang ibalita dito. “Manang Eden, nakita mo ba si Eli?” “Naroon sa lanai at may bisita.” “Sige po salamat.” Saka nagmamadaling tinungo ang elevator at bumaba. Masaya siya habang malaki ang hakbang patungo sa kinaroroonan ng binata. Hindi na makapaghintay masabi dito ang barbecue grill mamaya sa mansion Saavedra. “Eli…” nabitin ang pagtawag niya sa binata ng makita kung sino ang kasama nito. Isang magandang babae at masayang nag-uusap ang mga ito. Agad umantak ang dibdib niya sa mga nakikita. Kaya dahan dahan umatras at hindi napansin ang two step pataas na semento kaya natumba siya. Dahil sa kagu