NAHILIGAN niya, ang barbecue grill. Kaya lagi siyang nagre-request sa kanyang Kuya Samuel at Reggie. Every time na walang flight doon sila naglalagi sa mansyon Saavedra. Noong una napapanisn niya inis si Eli, kay Reggie. Hindi niya alam kung nagseselos ito sa binata. O talagang asar lang lalo pa at nalaman nito na nililigawan ang pinsan nitong si Alexa Chariz. Kaya naman lagi siyang maagap paalalahanan si Eli. Saka pa lamang ito kakalma at makikisalamuha sa lahat. “Ayaw mo ba kay Reggie, para sa pinsan mo?” aniya habang busy ang lahat sa pagiihaw. “Hindi naman sa ganun. Kaya lang napapansin ko parang pumapangalawa lang ang pinsan ko sa atensyon ng lalaking yon. Meron siyang mas priority, at ayaw ko ng ganun. Kung talagang mahal niya ang pinsan ko dapat maging priority niya. Hindi yon l