BORN

2708 Words

MASAYA silang kumakain ni Eli, nang biglang sumakit ang tiyan ni Kate Lorraine. Napahawak siya upuan at hindi malaman ang gagawin. Kanina pa pasakit sakit ang tiyan niya. Ngunit hindi niya masyadong pinapansin. Tapos ngayon bigla na lang sumakit ng todo. “Eli, d-dalhin mo na ako sa ospital.” Aniya nang madamang may umaagos na tubig sa kanyang hita. “Bilisan mo Eli, ang dami ng tubig na lumalabas sa akin.” Sa narinig ay sinagilahan ng takot si Eli. “Ngayon na ba ang araw na manganganak ka?” “Sabi ni Doktora, kapag ganito na daw ang sitwasyon ko dapat nasa ospital na ako. Baka biglang lumabas ang baby.” Sa narinig ay nagsisigaw si Eli, mabuti may dumaan na kasambahay. “Master Eli, anong nangyayari?” “Tawagin mo si Mommy, bilis manganganak na si Kate Lorraine!” “Okay, Master Eli.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD