MAGMULA ng ipanganak ni Kate Lorrarine si Elijah Remo ll, or sa tawag na Green. Halos ayaw na niyang bumalik sa trabaho. Lalo at wala na din si Reggie, sa pwesto nito. Pinanindigan ni Alexa Chariz, na sa opisina na lang ang binata ma-assign. Si Eli, ito na ang namamahala ang minana niya sa kanyang ama. Matagal na niyang sinasabi na ibenta na lang ang lahat ng yon. Ngunit ayaw nito kaya ayon laging busy sa travel. “Bakit hinahayaan mo ang asawa mo na mamalakad ng mga iniwan sayo ni Papa?” tanong ng kanyang Kuya Samuel. “Ayaw ko nga at ang sabi ko ay ibenta na lahat yon. Nanghihinayang daw siya kaya ayaw bitawan.” “Tapos lagi siyang wala sa tabi mo? baka sa kakaganyan nyo dumating ang oras na yan ang maging dahilan lang paghihiwalay nyo.” “Bakit mo naman nasabi yon, Kuya Samuel?” “Me