NIYAKAP ng mahigpit ni Lumen si Premo. Natatakot siya para sa pinsan. Baka saktan nito ng magkapatid. Kilala na ibang magalit ang mga Montemayor. Kaya halos ayaw niyang pakawalan si Premo. “Mahal, nariyan si Mr. Makko, pupuntahan ko muna siya.” “Please, huwag mo sana siyang sasaktan.” “Ano ba ang iniisip mo, mahal? Hindi ako ganun lalo na si Kuya Elijah. Magagawa lang namin ang manakit kung talagang malaki ang kasalanan. Kakausapin lang namin ang pinsan mo marami kaming nais itanong sa kanya.” “Totoo, hindi ninyo sasaktan si Makko?’ “Hindi, kaya wala kang dapat alalahanin.” “Promise, hindi ninyo siya sasaktan ah.” “Yeah, pangako kaya maging panatag ka sana, mahal.” “Salamat.” Bago tinalikuran ni Premo si Lumen, hinalikan pa niya ito. “Babalik agad ako at babalitaan kita sa resulta