ILANG gabi na laging napapansin ni Lumen, bumabangon si Premo sa tuwing sasapit ang hatinggabi. Kagaya na lang ngayon bumangon na naman ito. Kaya naisipan niyang sundan lung saan patungo. Humantong ito sa living room, doon ay palakad lakad ito habnag nakasilid sa bulsa ang maghabilang kamay. Nais niya itong lapitan ngunit ayaw naman abalahin. Hindi nagtagal ay may isang shadow na papalapit dito. “Kuya Elijah, ano ang resulta ng pinagawa nating imbestigasyon?” “Wag kang mabibigla, pero ang pinsan ni Ms. Lumen, siya ang may kagagawan.” “Sigurado ba na walang mali sa imbestigasyon?” “Sa palagay ko ay wala, dalawang imbestigasyon ang ginawa ng magkaibang tao pero ang resulta ay iisa. Ang pinsan niya ang tinuturo ng lahat. “Kung ganun ano ang sunod na plano?” “Kailangan malaman ni Prin