IKALAWANG hearing, as usual ang ingay ng kampo ni Eritch at Arjay. Pinipilit pa rin ng mga ito na mag labas ng mga pekeng ebidensya laban kay Princess Araminah at Draco. Kaya sa inis ni Atty. Bliss, nilabas niya ang dagger at singsing kung paano sinubukan ng mga ito na i-frame up si Princess Araminah. Ayaw sana niyang gawin yon upang hindi na madagdagan pa ang hatol sa mga ito. Pero ayaw tumigil sa pagsisinungaling. Ang original na cctv ay pinasa niya sa unahan at hinayaan makita ng kahat. Nag-play sa malaking screen ang buong pangyayari. Pati na ang pagpatay sa babaeng may ari ng singsing. Nakuhanan din ng camera mula sa isang sasakyan nakapark sa ‘di kalayuan ng pinangyarihan. Lahat ng solid evidence na hawak ni Atty. Bliss ay ipinakita sa malaking screen. At kahit nagsisigaw ang kam