Hindi malaman ni Danica kung papano sila napunta ni Christian sa tabi sa bilis ng pangyayari. Basta natagpuan na lang niya ang sariling nakasandal sa makinis at medyo naka-slide na bato habang patuloy na naglalaban ang labi nila sa isang mapusok at malalim na halik. Parehas na rin silang walang saplot sa katawan dahil sa mabilis at malikot na kamay ng asawa. Pero kahit ganon pasalamat pa rin siya dahil hindi nito sinira o itinapon iyon. Nakapatong ang kasuotan nila sa isang malapad na bato hindi kalayuan sa kanilang pwesto ngayon. Medyo nakakubli/nakatago ang lugar na kinaruruonan nila kaya kahit na may mapadaang ibang tao sa nasabing batis ay hindi sila makikita. Humahalo rin ang mga daing at ungol nila sa ingay na nililikha ng agos ng tubig kaya't wala ring makakarinig sa kanila kahit n